Sunday, August 1, 2010
Tunay na Pag-ibig o True Love
As i was reading Miss Hannah's repost of AD Hunter's lovestory na touch din ako. I guess true love never dies. Pero ewan ko kung maniniwala ako sa ganito kasi di naman sa lahat ng love story ng tao e nangyayari ito. Iba ang aking pananaw sa buhay pagdating sa mga bagay na ito. I'm in a relationship right now pero matatawag ko na bang true love nga ito sa maikling panahon pa lamang na pagsasama namin? teka.. anu ba muna ang definition ng True love? literal lang bang tunay na pag-ibig o marami pang ibang kahulugan? Ewan. ayoko ng isipin. May mga napagdaanan na din akong sakit dulot ng pag-ibig. Sabi nga nila masakit umibig. Masakit kasi masasaktan ka lang kapag naghiwalay kayo. Pero bakit andaming taong ginagawa lamang laro ito? At andami din naman nababaliw dito at kung minsan pa nga nagpapa-deads pa. Haayy.. buhay nga naman. Di mo talaga masasabi kung ano mangyayari. Anu ba ang sukatan ng Tunay na Pag-ibig? Sa haba ba ng panahon ng pag-sasama? Sa mga pinag-daanang hirap? Saya? Lungkot? and still magkasama pa rin kayo? Hmm. para sakin wala sa tagal ng panahon ng pagsasama para masukat ang tunay na pag-ibig. Isang araw mararamdaman mo na lang yan ng di mo namamalayan. Narinig ko nga sa bossing ko nung isang araw dahil nag i-eaves drop ako haha! sabi nya "Kapag kayo talaga ng isang tao walang hassle. Mararamdaman nyo na lang bigla. Komportable na kayo sa isat-isa wala ng ligawan pa." Mukhang totoo nga iyon kasi naramdaman ko yan at nai-compare ko pa nga e at napatunayan kong may sense nga. Sabi ko sa sarili ko "OO nga no!" Napunta ako sa relasyong ito na hindi ko namamalayang minamahal ko pala sya sa pag-lipas ng panahong magkasama kami. Kaya eto kami pa din. Hanggang kelan? Ewan. Bahala na si Bro. haha!
Subscribe to:
Posts (Atom)