Monday, February 14, 2011

Sprocket

 Film Rolls 
Ilang basyo na ng films ang nagamit ko, ilang beses na rin akong nagtangkang magpa-imprenta o kaya naman ay magpa-scan ng mga ito. Ngunit ako ay bigo. Wag naman sana silang abutin ng pagka-expired. Pero ika nga ng iba e maganda ang epekto ng expired na films. Tignan ko na lang kug ganun nga.

Sa darating na ika-15 ng Pebrero taong ito, pupunta na ko sa suking pa-printan para magpa-scan. Nawa'y maging tagumpay ako sa gagawin ko. (fingers crossed)

Magbabalita ako once na ako ay natuloy. Hahahaha!

(BGM: Break even by The Script)

To be continued....

021411

Dear All,

Makaraan ang ilang buwan, Nandito muli ako ngayon at nagbabalik para bumati ng Happy Valentine's Day!
Hahaha!

(BGM: Rock with you by Michael Jackson)

Thursday, September 30, 2010

Polly Pocket

Have you ever played a Polly Pocket when you were a child? Or do have one until now? Are you missing the times when you're playing it with your childhood friends? Talking to these little tiny 'tau-tauhan' and making fun with them.. Hahaha!

(these are the Polly Pockets before)
talagang magkakasya sa pocket mo. Hahaha!

When I was young I was able to play Polly Pockets with my friends and one Christmas back then, I was able to receive a Pocahontas Polly Pocket. It was fun playing those little tiny tau-tauhan. Hahaha! Why the sudden talk about Polly Pockets? I'll tell you the story.

One day, isang araw my friend and I met at Robinsons Ermita dahil may raket sya dun. At itago natin sya sa pangalang Miss Hannah. Dahil sa Toys Section sya naka-assign dun ipinakita nya sa akin ang bagong Polly Pockets. Aniya "Tignan mo yung bagong Polly Pockets ngayon, ang panget na diba? Mas maganda yung dati." (basta ganyan yung thought sa sinabi nya.Di ko na matandaan ang eksatong sinabi nya) Ako naman: "Oo nga no? Ang laki na nya di tulad nung dati na maliliit." At nagtuloy-tuloy na ang usapan namin tungkol sa Polly Pockets at Barbie na nilait na din namin. Hahahaha! LOL!

At ngayong araw naman habang ako ay naglalakad sa Greenbelt patungo sa SM, I have these two girls na kasabay ko sa paglalakad na halos kasing edad ko din. And I heard them talking about the new Polly Pocket! Haha! Suddenly the thought of Hannah and Me talking about that few days ago popped out in my mind! Hahaha! Then I listened to their conversation. The Girl 1 said: "Nakita mo na ba yung bagong Polly Pocket? Inis na inis kaya ako dun sa bago ngayong Polly Pocket! Ang panget!" Full of emotion ang pagkakasabi nya dito. With matching padyak ng paa at disgusto sa mukha. Hahahaha!

The New Polly Pocket today!
(di na magkakasya sa pocket mo! Hahaha!)

Nakakatawa. Hahahaha! See? Di lang iisang tao ang apektado ng ganoong pagbabago. Lahat ng nakakapansin nito ay apektado. Hahahaha!

Tuesday, September 21, 2010

BALIW

Sa isang gabi ng kabaliwan,
Hindi mo inakalang malaki pala ang epekto nito
Hindi ka naging handa sa kabaliwang dulot nito sayo
At ngayon,
Ikaw ay isang BALIW
sa pag-aasam na mauulit muli
ang kabaliwang iyon

Sunday, August 1, 2010

Tunay na Pag-ibig o True Love

As i was reading Miss Hannah's repost of AD Hunter's lovestory na touch din ako. I guess true love never dies. Pero ewan ko kung maniniwala ako sa ganito kasi di naman sa lahat ng love story ng tao e nangyayari ito. Iba ang aking pananaw sa buhay pagdating sa mga bagay na ito. I'm in a relationship right now pero matatawag ko na bang true love nga ito sa maikling panahon pa lamang na pagsasama namin? teka.. anu ba muna ang definition ng True love? literal lang bang tunay na pag-ibig o marami pang ibang kahulugan? Ewan. ayoko ng isipin. May mga napagdaanan na din akong sakit dulot ng pag-ibig. Sabi nga nila masakit umibig. Masakit kasi masasaktan ka lang kapag naghiwalay kayo. Pero bakit andaming taong ginagawa lamang laro ito? At andami din naman nababaliw dito at kung minsan pa nga nagpapa-deads pa. Haayy.. buhay nga naman. Di mo talaga masasabi kung ano mangyayari. Anu ba ang sukatan ng Tunay na Pag-ibig? Sa haba ba ng panahon ng pag-sasama? Sa mga pinag-daanang hirap? Saya? Lungkot? and still magkasama pa rin kayo? Hmm. para sakin wala sa tagal ng panahon ng pagsasama para masukat ang tunay na pag-ibig. Isang araw mararamdaman mo na lang yan ng di mo namamalayan. Narinig ko nga sa bossing ko nung isang araw dahil nag i-eaves drop ako haha! sabi nya "Kapag kayo talaga ng isang tao walang hassle. Mararamdaman nyo na lang bigla. Komportable na kayo sa isat-isa wala ng ligawan pa." Mukhang totoo nga iyon kasi naramdaman ko yan at nai-compare ko pa nga e at napatunayan kong may sense nga. Sabi ko sa sarili ko "OO nga no!" Napunta ako sa relasyong ito na hindi ko namamalayang minamahal ko pala sya sa pag-lipas ng panahong magkasama kami. Kaya eto kami pa din. Hanggang kelan? Ewan. Bahala na si Bro. haha!

Saturday, July 31, 2010

Background

Sabado ng gabi. Katatapos lang kumain. Nag-bukas ng PC. Nag-internet. Nag-facebook,tweetdeck at nag-check ng mail dahil baka may utos galing sa boss. Meron nga. Nag-google map para hanapin yung location ng school. ie-edit ko sana kaso tinamad na ako.baka mamaya na lang siguro. Pagtapos nun wala na ko nagawa at sumagi sa isip ko ang aking blog na nilalangaw na. Wala kasing naka-post na matino. Pero ito ba matino? Ewan. So ayan nabuksan ko na blog ko. Nag-fill-up ng mga kulang para sa profile ko tapos naisip kong magpalit na ng Background. Search na ko sa google tapos click! ayun na. Andaming lumabas. E di naghahanap na ako kaso wala naman akong mapili. gusto ko sana bongga para naman maganda kaso WALEY! Syempre nasa isip ko strawberry dapat background ko kasi like ko yun. Kaso di ko feel masyado ko naman kinarir ang strawberry. Lahat na lang. Haha! May napili akong Pink ang backroud color. natuwa ako kasi ang cute at malapit sa strawberry pero napaka-babae naman tignan kaya pinalitan ko. di ko feel e. Kaya eto, dito humantong ang background ko. Pero syempre bobonggahan ko yan. Paglalaanan ko muna ng panahon. Gusto ko kasi sarili kong gawa e para maganda. Sino ba naman may ayaw na sarili mong gawa ang ipapakita mu sa mga tao? Syempre pag maganda pround ka kasi may chance na mapuri. Pero para sakin di ako gagawa lang para mapuri. Gagawa ako dahil yon ang gusto ko. Wala ng iba. (weh? di nga? rar!)

Wednesday, July 28, 2010

Soon

Soon I know that I'll be posting a lot here in my blog. I have lots of stories to write but its still on my head. haha. Sa ngayon eto muna ang mababasa ninyo. salamat sa aking kaibigang si Miss Hannah para sa pag follow. Haha. Sana later pag-uwi di ako tamarin mag sulat. And try ko na din isulat muna ang aking mga nasa isip sa Notepad tapos tsaka ko na lang ililipat sa blog ko. haha. So that's it for today. 'Til next time! Jana!

Thursday, July 1, 2010

let's start the countdown

hello. so... ngayon ay ika-1 ng Hulyo taong dalawanglibo at sampu. ibig sabihin malapit na ang aking kaarawan. haha kaya start na ng countdown ko. peo mukhang di na ata ako umabot sa July 1 a? July na 2 na kasi. alas dose na e. haha. pero sege hanggang dito na muna. may dapat pang tapusin. rar! Goodnight to me. 16 days to go na lang. hahaha