Saturday, July 31, 2010
Background
Sabado ng gabi. Katatapos lang kumain. Nag-bukas ng PC. Nag-internet. Nag-facebook,tweetdeck at nag-check ng mail dahil baka may utos galing sa boss. Meron nga. Nag-google map para hanapin yung location ng school. ie-edit ko sana kaso tinamad na ako.baka mamaya na lang siguro. Pagtapos nun wala na ko nagawa at sumagi sa isip ko ang aking blog na nilalangaw na. Wala kasing naka-post na matino. Pero ito ba matino? Ewan. So ayan nabuksan ko na blog ko. Nag-fill-up ng mga kulang para sa profile ko tapos naisip kong magpalit na ng Background. Search na ko sa google tapos click! ayun na. Andaming lumabas. E di naghahanap na ako kaso wala naman akong mapili. gusto ko sana bongga para naman maganda kaso WALEY! Syempre nasa isip ko strawberry dapat background ko kasi like ko yun. Kaso di ko feel masyado ko naman kinarir ang strawberry. Lahat na lang. Haha! May napili akong Pink ang backroud color. natuwa ako kasi ang cute at malapit sa strawberry pero napaka-babae naman tignan kaya pinalitan ko. di ko feel e. Kaya eto, dito humantong ang background ko. Pero syempre bobonggahan ko yan. Paglalaanan ko muna ng panahon. Gusto ko kasi sarili kong gawa e para maganda. Sino ba naman may ayaw na sarili mong gawa ang ipapakita mu sa mga tao? Syempre pag maganda pround ka kasi may chance na mapuri. Pero para sakin di ako gagawa lang para mapuri. Gagawa ako dahil yon ang gusto ko. Wala ng iba. (weh? di nga? rar!)
Labels:
Sir Sulit
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment